BAGONG MANANAMPALATAYA
8 Araw na paglalakbay
Araw 5
Bagong Mananampalataya – 8 Araw na Paglalakbay
Araw 5 – Mga Relasyon at Komunidad
ARAW 5
Maligayang pagdating sa ika-5 araw ng aming 8 araw na paglalakbay! Sa Araw 5, pinag uusapan natin ang mga relasyon at komunidad. Mahalaga ang pagkakaroon ng kaugnayan sa Diyos nang personal, ngunit mas makapangyarihan ito kapag nagtitipon, sumasamba at nananalangin tayo kasama ng ibang mananampalataya. Bilang isang bagong mananampalataya, hinihikayat kitang maghanap ng isang simbahan na naniniwala sa Bibliya kung saan maaari kang dumalo, magboluntaryo nang regular, at sumali sa isang maliit na grupo ng mga mananampalataya. Makakatulong ito sa iyo na lumago ang iyong pananampalataya, habang tumatanggap at nagbibigay ng pampalakas ng loob mula sa iba. Samahan ninyo ako ngayon habang sama sama nating tuklasin ang kaloob na mga relasyong ibinigay ng Diyos at komunidad.
"Mag isip tayo ng mga paraan upang mahikayat ang isa't isa sa mga gawa ng pag ibig at mabubuting gawa at huwag nating pabayaan ang ating pagpupulong tulad ng ginagawa ng ilang tao, bagkus ay palakasin ang loob ng isa't isa lalo na ngayon na ang araw ng Kanyang pagbabalik ay nalalapit na."
Sa Mga Hebreo 10:24-25
PANALANGIN SA ARAW NA ITO
Jesus, tulungan mo akong makahanap ng Bible believing Church na pwede kong maging bahagi at maliit na grupo ng mga mananampalataya na makakasama ko sa buhay. Tulungan mo akong hindi kailanman mahanap ang aking sarili na nag iisa o nakahiwalay, ngunit sa halip ay napapalibutan ng isang komunidad ng mga tagasunod ni Jesus. Sa pangalan ni Jesus, amen.